Calendar
Nueva Ecija police, One Meralco nanguna sa gift-giving
CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City – Nagkaroon ng gift-giving sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) para sa mga mag-aaral, sa pakikipagtulungan sa One Meralco Foundation at Terra Solar Philippines Inc. (TSPI), noong Biyernes.
Ang aktibidad, na tinaguriang “Balik Eskwela: A Gift-Giving Activity with One Meralco,” ay pinangunahan ni Nueva Ecija police director Col. Ritchie Claravall sa covered court ng police headquarters.
Ang mga tumanggap ng regalo ay ang mga mag-aaral ng La Purisima Day Care Center at mga tauhan ng pulisya na nabigyan ng mga bag, notebook, kagamitan sa pagsulat at iba pang mahahalagang kagamitan.
Pinasalamatan ni Claravall ang One Meralco Foundation at TSPI dahil sa kanilang malasakit, pagiging bukas-palad at patuloy na suporta.
Patunay ito ng ang matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng pulisya at pribadong sektor, ayon sa police official.

