Abante8

Impeachment trial dapat nakatuon sa paghahanap ng katotohanan, ‘di sa personalidad–Abante

Mar Rodriguez Aug 16, 2026
98 Views

BINIGYANG-DIIN ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. na ang kasalukuyang Senate impeachment trial ay hindi na dapat nakatuon sa mga personalidad kundi sa paghahanap ng katotohanan batay sa mga ebidensiyang inihaharap sa Senado.

Sinabi ni Abante na mahalagang matapos ang proseso upang magkaroon ng linaw at magsilbing daan sa pagbabago sa bansa.

Binanggit din ng mambabatas ang mga survey na nagpapakitang mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nais munang makita at masuri ang mga ebidensiya laban kay Duterte bago magpasya kung dapat ba itong mahatulan o mapawalang-sala.

Sinabi pa ni Abante na tila nababawasan na umano ang popularidad ng Bise Presidente. “Palagay ko nabawasan na ang rating ng ating Vice President,” ani Abante.

Nagbabala rin si Abante laban sa paggawa ng impeachment trial bilang isang “exercise of politics.”

Hinimok niya ang mga senador na nagsisilbing impeachment judges na suriin ang mga ebidensiya nang hindi naiimpluwensyahan ng kanilang mga kaalyansa o pagkakabilang sa pulitika.

“Dapat ito makita ng taong-bayan, makita ng impeachment court mismo itong ebidensIya,” sabi pa ni Abante.