Calendar
Impluwensiya ng mga politiko sa aduana nawala na
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na diyan sa Japan at iba pang panig ng mundo.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa numero: +63 9178624484
***
Kamakailan ay inaresto ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) ang isang Swiss national sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Inaresto ng mga tauhan ng BOC-NAIA ang pasaherong Swiss national pagkatapos na makitaan ng shabu ang kanyang luggage.
Binuksan ang kanyang luggage nang makita sa x-ray machine ang mga suspicious images.
At nang buksan nga ang luggage ay tumambad sa mga otoridad ang apat na plastic packs na naglalaman ng mga hinihinalang shabu.
Ang 6,000 gramo ng shabu ay nagkakahalaga ng P40.8 milyon, ayon sa BOC-NAIA.
Ang shabu at suspek ay nasa custody na ng Philippine Drug Enforcement (PDEA) “for proper disposition.”
Ang PDEA na siyang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board ay tumutulong sa BOC para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng illegal drugs.
Dahil sarado na ang mga shabu laboratories sa Pilipinas ay nanggagaling na sa labas ng bansa ang illegal drugs.
Ang BOC-NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Alexandra Lumontad.
Sinabi naman ni Commissioner Ariel S. Nepomuceno na all-out support ang ahensya sa programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pigilan ang drug smuggling.
Mabuti at highly-trained ang mga BOC personnel na naka-assigned sa lahat ng ports of entry.
Alam na nila ang iba’t ibang gimik ng mga ismagler na nagpapasok ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Ang tawag nga sa kanila ay “eagle-eyed drug busters.”
Ang problema lang, marami tayong islang puwedeng gawing bagsakan ng illegal drugs.
Tama ba kami, Pangulong Marcos at Commissioner Nepomuceno?
***
Meron na lang mahigit na tatlong buwan para kolektahin ang napakataas na 2025 collection target ng Bureau of Customs (BOC).
Sa taong ito ay tumataginting na P1 trilyon ang assigned tax take ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance ni Secretary Ralph Recto.
Itong huling tatlong buwan ng taon ay inaasahang tataas ang revenue collection ng ahensya.
Taun-taon ay tumataas ang koleksyon ng BOC mula Hulyo dahil sa mga parating na Christmas items.
Kailangan din na agad isubasta ang mga kumpisakado at abandoned shipments na puwede ng i-dispose, baka mawala pa ang mga ito sa bodega.
Ang iba ay puwede na ring ipamigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs).
***
Mabuti naman at mukhang nawala na ang impluwensiya ng mga politiko sa aduana.
Dati kasi ay madalas marinig sa iba’t-ibang opisina sa waterfront na naririndi sila sa mga pakiusap ng mga politiko.
May mga hepe nga noon na madalas nagtatago na dahil sa kakukulit ng ilang politiko.
Ngayon, wala ng nangungulit na politiko dahil ayaw ni Pangulong Marcos ng ganyan.
Ang gusto nga ni Presidente Bongbong ay mawala ang palakasan sa mga opisina ng gobyerno.
Ito man ay national o local government agency.

