Vic Reyes

Tiyak na matatanggap na sa Pinas mga Xmas gift na padala ng mga OFW

Vic Reyes Sep 21, 2025
234 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii, Chato Coronel, Patricia Coronel, Endo Yumi, La Dy Pinky, Yoshiko Katsumata, Lorna Pangan Tadokoro, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, Roana San Jose at si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin sina Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

****

Mahirap talagang mawala ang graft and corruption sa mga opisina ng gobyerno, kasama na ang Bureau of Customs (BOC).

Matagal na kasing nandiyan ang mga katiwalian sa serbisyo publiko.

Marami na rin ang nakulong at natanggal sa serbisyo pero hanggang ngayon, sakit pa ng ulo ng mga otoridad ang korapsyon.

Mabuti na lang sa aduana, laging naka-monitor si Commissioner Ariel S. Nepomuceno sa ginagawa ng kanyang mga tauhan.

Kagaya ng ibang government offices, patuloy ang internal cleansing program ng BOC. Ayon nga kay Comm. Ariel, may ilan pang gumagawa ng katarantaduhan pero markado niya na ang mga ito.

Kung sabagay, ilan na lang naman ang natitirang tulisan diyan sa aduana.

Ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga ma-anomalyang flood control projects ay babala sa men and women in BOC uniform.

Galit na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kalokohan ng mga tiwaling lingkod-bayan.

Siguradong ayaw ng mga taga-BOC na magkaroon din ng independent commission para imbestigahan ang mga kalokohan sa aduana.

Tama, Finance Secretary Ralph Recto?

***

Babala ito sa mga taong gustong magpasok sa bansa ng mga kontrabando.

Lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot, na kagaya ng shabu, cocaine, ecstasy at high grade marijuana.

Mahuhuli kayo sa mga ports of entry dahil highly-trained ang mga taga-BOC para ma-detect kung may dala-dala kayong iligal na droga.

Nandiyan ang mga scanning machines, sniffing dogs at eagle-eyed BOC personnel.

Ang kailangan lang ay huwag masilaw sa kinang ng pera ang mga opisyal at tauhan ni Commissioner Ariel S. Nepomuceno.

Sigurado kasing gagamit ng kwarta ang mga mahuhuling ismagler ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sa tingin naman natin, takot na rin ang mga taga-BOC na gumawa ng mga kabalbalan.

Alam nilang determinado si Pangulong Marcos na walisin ang lahat ng mga tiwali sa gobyerno.

Sabi nga ni Presidente Marcos ay walang sasantuhin sa pinaigting niyang kampanya laban sa graft and corruption.

Kaya sa mga natitirang korap diyan sa BOC, ingat at baka abutin kayo ng latigo ni Pangulong Bongbong.

***

Siguradong matatanggap sa oras ng mga kababayan natin ang mga Christmas gifts na padala ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Alam kasi ni Commissioner Ariel S. Nepomuceno ang sayang dulot ng mga kamag-anak ng mga OFW na makatatanggap ng aguinaldo ngayong Pasko.

Karamihan sa mga padalang regalo ay mga damit, sapatos, cellular phone, tsokolate at appliances.

Maliban pa ito sa foreign currencies na pambili ng iba pang pangangailangan.

Good job, Comm. Ariel.