Calendar
IRR ng ECCD law nilagdaan; Gatchalian hinimok ipatupad mga serbisyo
HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga local government units (LGUs) na ipatupad ang mga programa sa ilalim ng Republic Act No. 12199 kasunod ng paglagda sa implementing rules and regulations nito.
Layon ng Early Childhood Care and Development System Act na mabigyan ng serbisyong ECCD ang lahat ng batang wala pang limang taong gulang.
Ginagawang responsable ng batas ang mga LGU sa pagpapatupad ng mga programang ECCD, kabilang ang mga serbisyong pangnutrisyon.
Kailangan ang agarang pagpapatupad nito upang matugunan ang tinawag niyang education crisis sa bansa.
Binanggit niya ang pinakahuling datos ng DOST-Food and Nutrition Research Institute na nagsasabing isa sa bawat apat na batang wala pang 5-anyos ang stunted.
“Mahalaga ang agarang pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa ECCD dahil nakasalalay dito ang pagkakaroon ng matatag na pundasyon ng ating mga kabataan,” sinabi ni Gatchalian.

