Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Irrigation sa coconut plantation ginagawa na
Jojo Cesar Magsombol
Feb 13, 2025
342
Views
IBINAHAGI ng mga opisyal ng Philippine Coconut Authority IV-A (PCA) sa mga kasapi ng Batangas Coconut Seed Farm Project – Technical Working Group na ginagawa na ang irrigation system ng coconut plantation sa 10 ektaryang lupa sa Batangas.
Sa pulong sa San Juan, Batangas, may nakatanim na 2,280 green tacunan dwarf coconut seedlings sa naturang plantation.
Patuloy din ang pagbabakod sa lupain at nakatakdang magtanim ng mahigit 4,000 coconut seedlings.
Isinasagawa sa Brgy Imelda, San Juan ang irrigation, ayon kay Alexis Mojica, acting Division Chief ng PCA Batangas-Cavite.
Proyekto ng PCA at Kapitolyo ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, at ng Provincial Agriculture Office ang naturang proyekto.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

