PCSO

Isang mananaya nanalo ng P100M sa lotto

61 Views

ISANG mananaya ang nakasungkit sa P100 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Martes ng gabi, Mayo 24.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha sa winning number combination na 20 -22 -09 -54 -06 -19.

Samantala, nanalo naman ng tig-P120,000 ang 29 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P2,000 naman ang 1,682 mananaya na nakaapat na numero at tig-P100 naman ang 25,231 mananaya na nakatatlong numero.