Grandlotto

Jackpot ng Grandlotto aabot sa P200M

28 Views

INAASAHANG aabot at posibleng lumagpas pa sa P200 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 sa bola nito sa Miyerkoles, Hunyo 16.

Ito ay matapos na hindi tamaan ang P194.7 milyong jackpot prize ng 6/55 sa bola noong Lunes, Hunyo 13 kung saan lumabas ang winner number combination na 01-09-50-14-37-17.

Sa naturang bola ay nanalo ng tig-P100,000 ang 16 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Nanalo naman ng tig-P1,500 ang 1,128 mananaya na nakaapat na numero at tig-P60 ang 27,879 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.