PCSO

P298M jackpot ng Grand Lotto 6/55 hindi tinamaan

39 Views

WALANG tumama sa P298.4 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Hunyo 29.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang nakakuha sa winning number combination na 07-09-51-02-24-39.

Samantala, 23 naman ang nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas. Sila ay nanalo ng tig-P100,000.

Nanalo naman ng tig-P1,500 ang 2,393 mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P60 naman ang 55,987 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Grand Lotto ay muling bobolahin sa Sabado.