PCSO

P341M jackpot ng Grand Lotto 6/55 hindi tinamaan

31 Views

WALANG tumama sa P341.1 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Hulyo 4.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang tumaya sa winning number combination na 42-06-09-29-33-01.

Inaasahan na sa muling bola ng Grand Lotto sa Miyerkoles ay lalagpas na ng P350 milyon ang jackpot prize.

Samantala, nanalo naman ng tig-P100,000 ang 53 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P1,500 naman ang tinamaan ng 3,617 mananaya na nakaapat na numero at tig-P60 ang 76,805 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles, at Sabado.