PCSO

Jackpot ng Ultra Lotto, Super Lotto hindi tinamaan

142 Views

WALANG tumama sa P134.4 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, at P162.4 milyong premyo ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Linggo, Oktobre 16.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang tumaya sa lumabas na winning number combination sa bola ng Ultra Lotto na 48-03-49-44-40-41.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang limang mananaya na nakalimang numero.

Sa bola naman ng Super Lotto, lumabas ang winning number combination na 20-399-44-31-48-02.

Walo ang nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas at nanalo ng tig-P50,000.