Calendar
Jet na nakunan ng sandamukal na droga ‘di pumasok sa PH airspace–CAAP
HINDI pumasok sa himpapawid ng Pilipinas ang Learjet 55 na may US registration number N73GP, na nakuhanan ng sandamakmak na drugs sa Laos, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa ulat, ang paunang aplikasyon para sa flight permit ng naturang eroplano ay isinumite noong Setyembre 24 para sa rutang Laos patungong Pilipinas at magpapatuloy sa Malaysia.
Tatlong beses na binago ang itinakdang petsa ng paglipad at Oktubre 1 ang huling itinakdang araw ng pagdating sa Maynila. Gayunpaman, natuklasan ng CAAP na walang rekord ng pagpasok ng N73GP sa himpapawid ng Pilipinas.
Bukod dito, wala ring nakitang anumang flight record sa ilalim ng parehong registration number sa mga talaan ng CAAP.
Tiniyak ng CAAP ang kanilang pangako sa kaligtasan at seguridad ng aviation sa bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kalihim ng Transportasyon na si Giovanni Lopez.

