Calendar
Kamara tuloy lang ang trabaho
NANINIWALA si 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nats” M. Oducado na hindi naaapektuhan ang kanilang trabaho at obligasyon sa Kamara de Representantes sa gitna ng umiigting na kontrobersiya sa flood control projects.
Ayon kay Oducado, sa harap ng mainit na usapin sa flood control projects scam kung saan nadadawit ang pangalan ng ilang mambabatas. Hindi naman sila nagpapa-apekto sa sunod-sunod na pambabatikos ng publiko sapagkat kailangan parin nilang mag-pokus sa kanilang trabaho at tungkulin.
Gayunman, aminado si Oducado na marahil ay nasasaktan din sila sa sunod-sunod na pambabalahura at pambabatikos ng mamamayang Pilipino sa mga kongresista mula ng pumutok ang flood control scam. Subalit napakahalaga parin na hindi maapektuhan ang kanilang trabaho at mag-pokus parin sa mga nakahilerang trabaho sa Kongreso kasama na dito ang kasalukuyang deliberasyon sa 2026 proposes national budget.
Ipinaliwanag ng kongresista na isang napakalaking pagsisikap ang kailangan nilang gawin upang muling maibalik ang nasirang tiwala ng sambayanang Pilipino sa mga kongresista.
“When it comes to the flood control issues I cannot say na okey lang kami. Pero there are bigger things to do kaya despite of this controversy, kailangan parin naming magtrabaho at mag-focus sa aming duties as members of the House of Representatives. Kailangan naming magtrabaho ng husto para maibalil ang tiwala ng publiko,” sabi ni Oducado.
Pagbibigay diin pa ni Oducado na ang masalimuot na sitwasyong kasalukuyang pinagdadaanan ng mga kongresista ay hindi matatawag na “demoralisasyon” bagkos ay isang hamon para lalo silang magtrabahong mabuti at magsikap na muling maibangon ang magandang imahe ng Kamara de Representantes.
“I wouldn’t say na demoralized but I would say challenged kami ngayon to prove ourselves back para maibalik ang tiwala sa amin ng mamamayang Pilipino. Kailangan naming mag-effort ng husto, ito ang malaking hamon sa aming mga congressmen,” paliwanag ni Oducado.

