Calendar
Kelot dedo agad matapos maipit sa elevator


DEAD on the spot ang isang 25-anyos na lalaking caretaker matapos maipit sa elevator sa loob ng isang establisimyento nitong Huwebes sa Rodriguez St. corner Nepa Street, Balut, Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na si alyas Jhon, 25,tubong Oriental Mindoro, binata, at naninirahan sa 2501 Rodriguez St,corner Nepa Street, Brgy. 141, Balut.
Ayon sa pulisya, bandang alas-9:00 ng umaga nang matagpuang wala ng buhasy ang biktima sa loob ng nasabing gusali.
Batay sa paunang imbestigasyon at sa pahayag ng saksi na si alyas Bryan,inutusan siya ng kanilang amo na tingnan ang biktima.
Pagdating ni Bryan sa lugar, napansin niyang naka-lock mula sa loob ang daanan mula sa ika-apat na palapag patungo sa ikalimang palapag.
Pagkatapos nito, napansin niyang nakabukas ang elevator. Sinuri nila ang function room at dito na natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima na naipit sa makinarya ng elevator shaft.
Agad iniulat ng saksi ang insidente sa may-ari ng gusali bago humingi ng tulong sa Smokey Mountain PCP.
Ang biktima ay huling nakitang buhay ng kanyang kasintahan na nakilalang si alyas Angelyn, 23, bandang alas-7:00 ng umaga sa loob ng silid.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng Smokey Mountain PCP sa pamumuno ni PSSG Richard Lozada upang ikordon ang lugar.

