Calendar
Source: Quezon City Police District FB
QCPD iniimbestigahan video ng parak sa INC rally
INIIMBESTIGAHAN ng Quezon City Police District (QCPD) ang viral video na nagpapakita sa isang pulis sa komprontasyon sa pagitan ng motorcycle rider at mga kalahok sa rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA malapit noong Hunyo 30.
Ayon sa QCPD, nagsimula ang insidente sa mainitang palitan ng salita na muntik nang humantong sa pisikal na komprontasyon.
Agad umanong umaksyon ang nakatalagang pulis upang mapayapa ang sitwasyon at maiwasan ang anumang karahasan sa gitna ng malaking bilang ng mga nagtipon.
Iginiit ng QCPD na kumilos ang pulis alinsunod sa utos na ipatupad ang maximum tolerance.
Patuloy na iniimbestigahan ng QCPD ang pangyayari sa pamamagitan ng pangangalap ng lahat ng ebidensya at pahayag ng mga sangkot upang matiyak na masusunod ang tamang proseso bago maglabas ng pinal na resulta.
Nanawagan din ang QCPD sa motorcycle rider at sa sinumang nakasaksi sa insidente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang makatulong sa paglilinaw ng buong pangyayari.

