Dy

Kongresista naghain ng panukalang batas para mabigyan ng 20% discount sa online tickets ang mga estudyante

Mar Rodriguez Sep 27, 2022
239 Views

20% discount sa online tickets para sa mga estudyante isinulong

ISINULONG ng isang kongresista ang panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong mabigyan ng 20% diskuwento ang mga estudyante sa bibilhin nilang “online ticket” para sa isang live concert, basketball game, airfare at iba pang kauri nito.

Sinabi ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V na layunin ng isinulong niyang House Bill No. 1142 na amiyendahan ang Republic Act No. 11314 o ang “Student Fare Discount Act” upang mapasama dito ang pagkakaloob ng 20% discount para sa “online tickets”.

Ipinaliwanag ni Dy na bagama’t nakapaloob sa RA No. 11314 ang pagabibigay ng 20% discount para sa mga estudytante. Subalit hindi naman aniya nakasaad dito ang pagkakaloob ng diskuwento para sa mga bibilhin nilang online tickets at iba pang kauri nito.

Sinabi pa ni Dy na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, karamihan sa mga negosyo ay nagbago ng pamamaraan o sistema sa pamamagitan ng “digital technology’. Kung saan, ang student fare discount sa ticket para sa transportasyon ay makukuha sa online.

Ayon sa mambabatas, dahil umiiral na ang digital technology sa mga transaksiyon tulad ng online tickets. Mahalaga na mabigyan na rin ng diskuwento ang mga estudyante na kumukuha ng ticket sa online.

“This Bill seeks to address this problem by specifically providing that the discount shall apply even to tickets purchased online. During the COVID-19 pandemic, digital technology helped businesses adapt to the new normal,” sabi ni Dy.