Calendar
Lacson: Boses ng publiko pinalakas ng Sumbong sa Pangulo
DAHIL sa “Sumbong sa Pangulo” program ng inilunsad noong huling State of the Nation Address, mas dumami na ang nagsusumbong tungkol sa mga substandard at huwad na proyekto kontra-baha.
Pero ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson, hindi rito natatapos ang laban at dapat humantong sa hustisya at makatarungan na solusyon ang mga sumbong tungkol sa mga peke at substandard na flood control projects.
Ipinunto ni Lacson na ang masiglang partisipasyon ng publiko ay dapat humantong sa tunay na pananagutan.
Kung walang “logical conclusion”–kung saan ang mga sangkot ay makakasuhan, mako-convict at makukulong–baka mauwi lamang sa seremonya at hindi sa solusyon ang kampanya laban sa katiwalian.
“It took the 4th SONA of the President, followed by the launching of [the] sumbongsapangulo.ph website to get the nation involved in monitoring and reporting substandard and ghost flood control projects all over the country. The final test lies in the ‘logical conclusion,’” ani Lacson sa kanyang post sa X.
Binigyang-diin niya na kahit tumitibay ang pagbabantay ng taumbayan sa mga proyektong pampubliko, mananatiling mahina ang epekto nito kung hindi isusunod ang konkretong hakbang legal.
“If there is no accountability or certainty of punishment, those involved in corruption will be emboldened to continue—and those who are not may be encouraged to engage in it,” babala ng senador.
Kinilala ng senador Lacson ang positibong epekto ng “Sumbong sa Pangulo” platform sa pagpapalakas ng boses ng publiko.
“The public is awake now, and the tools are there. What remains is to ensure that justice is delivered,” giit ni Lacson.

