SOCO

Lalaki nakitang dedo, nakagapos, balot ng tape ang ulo sa ilalim ng tulay

126 Views

SOCO1

STO. TOMAS City, Batangas — Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa ilalim ng San Juan River Bridge sa Brgy. Sta. Anastacia, Biyernes ng umaga.

Batay sa ulat ng Sto. Tomas City Police Station (CCPS), bandang alas-5:55 ng umaga nang madiskubre ang bangkay, at naiulat sa mga awtoridad alas-8:00 ng umaga.

Ang biktima ayon sa pulisya ay nakasuot ng puting t-shirt na may tatak na “Rush”, light brown na pantalon, at puting sapatos na Nike.

Nakagapos ang mga kamay at paa ng biktma ng packaging tape, habang nakabalot ang ulo at mukha ng selyadong tape, senyales na pinahirapan muna ito bago pinaslang.

As of press time, blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng biktima.

Patuloy na isinasagawa ng mga otoridad ang backtracking at pagsusuri sa mga na CCTV footage sa malalapit na lugar upang masundan ang mga huling kilos ng biktima at matukoy ang mga salarin.

Tumutulong na rin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team para mabigyang-linaw ang karumal-dumal na krimen.