Shabu

Lalaki nasakote sa dalang baril, ‘shabu’ sa Balete

48 Views

Shabu1

BALETE, BATANGAS — Arestado ang isang 41-anyos na lalaki matapos mahulihan umano ng baril at hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Balete Municipal Police Station sa Barangay Palsara, noong Biyernes, Agosto 7.

Kinilala ng Batangas Police Provincial Office (PPO) ang suspek na si alyas Mar, residente ng nasabing barangay.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 83 sa Tanauan City noong August 3, 2026.

Nakuha mula sa suspek ang Isang .38 caliber Smith & Wesson revolver na walang serial number at kargado ng apat na bala, at dalawang mga heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Alinsunod sa legal na proseso, idinaos ang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa mismong lugar ng kaganapan sa harap ng suspek, isang kinatawan mula sa media, at isang lokal na opisyal ng barangay.

Ginamitan din ng dalawang Alternative Recording Devices (ARD) ang buong operasyon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Balete Municipal Police Station at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).