Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Lisensya ng TNVS driver na inakusahan ng panghahalay suspendido

Jun I Legaspi Jun 27, 2025
266 Views

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang lisensya ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver na inakusahan ng panghahalay ng kanyang pasahero.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, agad niyang ipinaalam kay Secretary Dizon ang naging aksyon ng ahensya.

Ikinagalit ng Kalihim ang insidente nang malaman niyang isang TNVS driver ang sangkot. “Ang utos ni Secretary Dizon ay tiyakin na mapanagot ang drayber kung matibay ang ebidensya batay sa isinasagawang imbestigasyon,” ayon kay Asec. Mendoza.

Nahaharap ang TNVS driver sa kasong paglabag bilang isang improper person to operate a motor vehicle na maaaring magresulta sa tuluyang pagbawi ng kanyang lisensya.

Nilinaw ni Asec. Mendoza na kinakailangan pa ring magsilbi ng show cause order sa nasabing drayber upang makuha ang kanyang panig bilang bahagi ng due process.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber.

Dagdag pa ni Asec. Mendoza, ang preventive suspension ng lisensya ng drayber ay epektibo sa loob ng 90 araw habang isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy kung nararapat bang tuluyang bawiin ang kanyang lisensya.