DOTr

Lopez sa DOTr usec: Paggamit ng 10 protocl plate ipaliwanag

Jun I Legaspi Oct 12, 2025
422 Views

PINAGPAPALIWANAG ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretay Giovanni Lopez si DOTr Undersecretary for Special Concerns Ricky Alfonso dahil sa paggamit ng hindi otorisadong sasakyang may plaka na number ‘10’.

Bagaman ang kanyang posisyon bilang Undersecretary tulad ng mga justices ay maaaring gumamit ng protocol plate number ‘10’, napag-alaman sa Land Transportation Office (LTO) na ang ginamit na sasakyan Lexus ay hindi ang rehistradong sasakyan na maaaring gumamit ng plate number ‘10.’

Bukod dito, gumamit din ang sasakyan ng ng blinkers na ipinagbabawal.

Sa mga post sa social media, nakunan ang naturang sasakyan, maging si Usec. Alfonso na umaawat habang nagtatalo ang kanyang driver at isa pang motorista.

Nauna rito ay nagkagitgitan umano sila sa bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City kamakailan.

Suspendido na ng 90 araw ang lisensya ng driver ng SUV na may protocol plate number 10.

Sa inilabas na show cause order ng LTO, pinatatawag na ang driver at may-ari ng sasakyan para magpaliwanag kung bakit hindi dapat masampahan ng mga kasong administratibo, at mapatawan ng kanselasyon ng lisensya.

Sinasabing nanampal din umano ang driver ng SUV na ngayo’y tinanggal na rin sa trabaho bunga ng insidente.