LRT2

LRT-2 maikli operasyon sa Dis 24, 31

103 Views

MAGPAPATUPAD ng mas maikling biyahe ang Light Rail Transit 2 (LRT-2) sa Disyembre 24 at 31.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), sa Disyembre 24 ang huling biyahe sa Recto station ay aalis ng 8 ng gabi samantalang ang huling biyahe sa Antipolo ay aalis ng 8:30 ng gabi.

Sa Disyembre 31, ang huling biyahe sa Recto station ay aalis ng 7 ng gabi at ang mula sa Antipolo ay alas-7:30 ng gabi.

Ang mga istasyon ay magbubukas naman ng alas-5 ng umaga.