Cabrera

LRT-2 tigil-operasyon mula Abril 6-9

81 Views

SUSPENDIDO ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay (Abril 6 hanggang 9).

Sa Abril 5 ay mas maikli naman ang operasyon ng LRT-2. Ang biyahe ng mga tren ay hanggang 7 ng gabi lamang.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, administrator ng LRTA, ang apat na araw na shutdown ay magbibigay ng panahon para magsagawa ng pagkumpuni sa mga tren, istasyon, at iba pang gamit sa rail system.

“We normally take advantage of the Holy Week to perform our yearly maintenance activities. With this, we appeal for understanding from the riding public and request that they plan their trip and take alternative transportation during this period,” sabi ni Cabrera.

Magbabalik naman ang operasyon ng LRT-2 alas-5 ng umaga sa Abril 10.