LTFRB

LTFRB: PTMP ipatupad na

Jun I Legaspi Oct 2, 2025
129 Views

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paninindigan nito na dapat matupad ang Public Transport Modernization Program (PTMP).

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, patuloy ang pagsisikap ng ahensya upang matiyak ang tuloy-tuloy na paglipat sa makabagong sistema ng pampublikong transportasyon.

Nakikipag-ugnayan ang LTFRB sa mga institusyon ng gobyerno upang matulungan ang mga operator ng modernisadong jeepney fleet sa pagtupad ng kanilang mga obligasyong pampinansyal sa ilalim ng programa.

“Sa katunayan, patuloy ang aming pakikipagdayalogo sa mga katuwang na government financing institutions upang matulungan ang mga operator ng modernisadong jeepney fleet,” pagdidiin ni Guadiz.

May malasakit ang mga hakbang ng LTFRB para sa kapakanan ng mga operator at ng riding public.

Aminado si Guadiz na ang mga reporma ay nangangailangan ng panahon, ngunit binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pangmatagalang solusyon upang tugunan ang mga problema sa sektor.

Tiniyak niya sa mga transport group at sa publiko na ang bawat desisyon ng LTFRB ay dumaraan sa masusing teknikal, legal at pampinansyal na pagsusuri.

Binigyang-diin niya na nananatiling matatag ang LTFRB sa pagtupad sa mandate nito.