Madrona

Madrona nananawgan sa mga mamamayan na ipagdasal, gunitain ang mga yumao nilang mahal sa buhay

Mar Rodriguez Nov 3, 2025
225 Views

Madrona1Madrona2BAGAMA’T katatapos pa lamang ng Undas, nananawagan pa rin si Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona sa mga mamamayan na patuloy na ipagdasal at gunitain ang alalala ng mga yumao nilang mahal sa buhay ngayong buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni Madrona na hindi lamang sa mga puntod at sementeryo ginugunita at ipinagdarasal ang ating mga yumaong kapamilya kundi sa loob mismo ng ating mga tahanan sa pamamagitan ng pag-alala sa mga magagandang bagay na iniwan nila noong sila ay nabubuhay pa.

Gayunman, ipinahayag ng kongresista na sa bawat kandilang sinisindihan at bulaklak na inialay natin sa nakalipas na Undas, ito ay nangangahulugan ng patuloy na pagmamahal sa ating mga yumaong mahal sa buhay kahit hindi n natin sila kapiling ngayon.

Dagdag pa ni Madrona na ang panahon ng Undas ay hindi lamang tradisyon o nakaugaliang pagdiriwang. Aniya, ito ay isang paalala ba kailangan nating maipadama ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating mga mahal sa buhay na naririto pa sa lupa.

“May mga bagay na kailangang bigyan ng halaga, alala, pamilya at pananampalataya at pagkakaisa. Dapat ngayon pa lang ay ipakita na natin sa kanila ang ating pagmamahal at pagmamalasakit habang kasama pa natin ang ating mga mahal sa buhay. Maikli lang ang buhay kaya gawin na natin ngayon. Ipakita natin sa kanila habang kapiling pa natin sila,” wika ni Madrona.

Samantala, bilang tugon sa pinsalang idinulot ng bagyong Opong, sinabi ni Madrona na matagumpay na naisagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang validation ng mga benepisyaryo sa Barangay Capaclan, Romblon.