Calendar
MAG-ASAWA NAKURYENTE SA BATANGAS, PAREHONG TSUGI

LIAN, BATANGAS — Patay ang isang mag-asawa matapos makuryente sa kanilang piggery farm sa Sitio Mahabang Parang, Barangay Malaruhatan sa bayang ito, Biyernes ng umaga, Agosto 14.
Kinilala ng Lian Municipal Police Station (MPS) ang mga biktima na sina alyas Clemente 60, truck driver, at ang kanyang 59-anyos na misisi, kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang 9:50 ng umaga habang nag-aayos ng kable ng kuryente si Clemente sa kanilang babuyan.
Aksidente umano nitong nadikit ang hawak na kable sa isang live wire na naging dahilan ng kanyang pagkakakuryente.
Agad sumaklolo ang kanyang misis, ngunit nadamay rin ito at nakuryente.
Naisugod pa ng mga awtoridad ang mga biktima sa Apacible Memorial District Hospital, ngunit kapwa idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Michael Patrick Catapang.
Mabilis ding nakipag-ugnayan ang pulisya sa tanggapan ng Batangas I Electric Cooperative (BATELEC).
Agad nagpatakbo ng lineman sa pinangyarihan upang i-secure ang live wire at maiwasan ang iba pang aksidente.

