Calendar
Mambabatas tutulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Capiz
UMAKSYON si 1-Tahanan Party List Rep. Nathaniel “Atty. Nat” Oducado para tulungan ang mga kababayan niya sa Capiz na nasalanta ang mga bahay ng super-typhoon Ramil noong nakaraang linggo.
Lumahok ang kongresista sa situation report briefing para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 6.
Sinabi ni Oducado na layunin ng pulong na alamin ang sitwasyon sa kanilang lalawigan makaraan ang matinding pananalasa ni typhoon Ramil kung saan libo-libong residente ang nawalan ng tirahan at kabuhayan lalo na ang mga magsasaka at mangingisda.
“Tinalakay natin sa pulong ang kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon partikular na sa Capiz. Sama-sama po tayong magtutulungan para sa mas mabilis na aksyon at epektibong solusyon para sa ating mga kababayan,” sabi ni Oducado.

