PCSO

Mananaya nanalo ng P5.9M jackpot sa Lotto 6/42

122 Views

ISANG mananaya ang naka-solo ng P5.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6.42 sa bola noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 26-12-20-24-39-41.

Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 18 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P800 naman ang tinamaan ng 910 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 ang 16,954 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.