PCSO

Mananaya sa Taytay, Rizal wagi ng P12.5M

Arlene Rivera Mar 7, 2022
280 Views

ISANG mananaya sa Taytay, Rizal ang nanalo ng P12.5 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 18-34-33-39-11-36.

Nanalo naman ng tig-P24,000 ang pitong mananaya ng nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P800 naman ang tinamaan ng 643 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 sa 11,342 na nakakuha ng tatlong numero.

Ang mga nanalo ay binibigyan ng isang taon para kunin ang kanilang premyo.