Megalotto

1 nanalo ng MegaLotto jackpot kagabi

294 Views

ISA ang nanalo ng P8.9 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa bola Marso 2.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 02-30-45-42-27-17.

Mayroon namang 25 mananaya na nanalo ng tig-P32,000 matapos makuha ang lima sa anim na numerong lumabas.

Nanalo naman ng tig-P1,000 ang 925 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 ang tinamaan ng 17,091 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Ang panalo na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay papatawan ng 20% buwis.