PCSO

Mananaya sa CamSur nanalo ng P10.6M MegaLotto jackpot

263 Views

ISANG mananaya sa Naga City, Camarines Sur ang nanalo ng P10.6 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 06-22-23-41-36-21.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang siyam na mananaya na naka-limang numero.

Tig-P1,000 naman ang tinamaan ng 612 mananaya na nakaapat na numero samantalang P30 ang napanalunan ng 12,923 mananaya na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.