Calendar
13th AUBC Championship.
Mapua tinanghal na AUBC champion


NASUNGKIT ng NCAA champion Mapua University ang korona sa 13th Asian University Basketball Championship (AUBC) kamakailan.
Pinabagsak ng Cardinals ang Ningbo University ng Shanghai, China, 64-57, sa kanilang winner-take-all encounter sa TUP gym sa Manila.
Nagsanib pwersa sina Drec Jhon Delos Reyes, Marc Cyrus Cuenco, Marcus Cyrus Nitura, Cyril Gonzales at Earl Jhon Sapasap upang pangunahan ang Intramuros-based Cardinals sa titulo ng week-long tournament na itinaguyod ng PAGCOR, Philippine Airlines, LT Group of Company, at Healthy Options.
Nagtala si Delos Reyes, ang 6-8 center mula Cavite, ng double-double na 13 points at 10 rebounds para sa Cardinals sa maksyong sagupaan, na nauwi sa away sa mga huling minuto ng laro
Sina Cuenco, na napiling Most Valuable Player (MVP), at Nitura ay nag-ambag ng tig 12 puntos.
Si Gonzales ay may 11 points, habang si Sapasad ay may 10.
Iniabot ni Basketball Association of the Philippines (BAP) at FESSAP vice president Dr Robert Milton Calo at FESSAP director Allan Soria ang mga tropeo.
“We’re happy to win the title. The boys worked hard and deserved to win the championship,” pahayag ni coach Randy Alcantara, na siya ding napiling “Best Coach” of the tournament.
Pinasalamatan ni Alcantara ang suporta ng buong Mapua community, sa pangunguna ni sports director Melchor Divina at ibang mga alumni groups sa kanilang matagumpay na kampanya.
Nakatulong ni Alcantara sa Mapua sina consultant Chito Victolero at assistant coaches JR Carlos, Keith Martin, Drake Santos at Vic Escudero.
Ang iba pang mga miyembro ng team ay sina Yam Conception, Marc Andrei Igliane, John Christopher Recto, Ivan Lazarte, Sherfrazkhan Abdulla, Noel Agemenyi, Icee Callangan, Arjay Pantaleon, Edward Ryan at Joemakio Gulapa.
Sa ibang mga laro tinalo ng Dela Salle University-Dasmarin̈as ang Technological University of the Philippines, 86-73, para sz third place; at winalis ng Philippine Normal University ang Indonesia University, 75-61, para sa fifth place.
Ang iba pang mga sponsors ng nasabing kumpetisyon ay ang Bestank, Kelme Basketball, Bakers Fair, Asics Tiger, Omni Electrical and Lighting, Lime Resort, Seascape Village at Henn Athletics. AA

