Calendar
Namuno si Jayson Puray sa panalo ng Quezon City Galeries Taipan.
Quezon City, Caloocan, Rizal namayani
SUMANDAL ang Quezon City Galeries Taipans sa mainit na mga kamay ni Jayson Puray upang payukuin ang Mindoro Tamaraws, 96-85, sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Ynares Center sa Montalbab, Rizal. .
Nagtala si Puray, ang 6-3 prized find mula Kabankalan, Negros Occidental, ng 22 points, three assists at two rebounds para pangunahan ang Taipans, na bumangon mula 42-54 upang umangat sa 5-13.
Nahirang si Puray na “Best Player” ng laro laban kina Nino Ibanez, na may 14 points at four assists, at Ryan Reyes, na may 12 points, seven rebounds at two assists.
Ang iba pang mga Taipans na nakatulong sa panalo ay sina Jerome Santos (9 points, 4 rebounds), John Edcel Rojas (8 points, 2 assists) at Vincent Cunanan ( 7 points, 11 rebounds, 2 steals)
Ang Mindoro, na bumaba sa 11-9, ay nakakuha ng 21 points, eight rebounds at three assists mula kay Bambam Gamalinda, 18 points, six rebounds at two assists mula kay Wendelino Comboy, 15 points, 10 rebounds, three steals at two assists mula kay Joseph Sedurifa, at 11 points at five assists mula kay Marion Magat.
Sa iba pang mga laro, binura ng Caloocan ang Pasig, 82-67, at pinadapa ng Rizal Xentromall ang Zamboanga, 69-61.
Magpapatuloy ang aksyon sa MPBL sa Batangas City Coliseum, na kung saan magtutuos ang Manila at Binan simula 4 p.m., Marikina at Sarangani sa 6 p.m., at Batangas at Pampanga sa 8 p.m.
Si PBA legend Kenneth Duremdes ang tumatayong commissioner.

