DOT Ipinamahagi nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga apektadong manggagawa sa turismo sa Mati City noong Huwebes.JONJON C. REYES

Mati City tinulungan ng DOT, DSWD

Jon-jon Reyes Dec 5, 2025
218 Views

PINANGUNAHAN nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Mati City noong Huwebes.

Ang hakbang naayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin ang suporta ng pambansang pamahalaan sa mga komunidad at manggagawa sa turismo.

“Padayon man ang atung koordinasyon sa mga local government units para makatulong tayo sa recovery and the eventually reemergence (ng Davao Region).

Our goal is really to make sure that turismo continues to be a stable, secure, and reliable source of livelihood para sa ating mga local communities,” sabi ni Kalihim Frasco.

May kabuuang 1,339 manggagawa mula sa mga establisyimento na may kinalaman sa turismo sa buong lalawigan ang nakatanggap ng tulong pinansyal.

Ang rehiyon ay patuloy na bumabangon pagkatapos ng 7.4 at 6.8-magnitude na lindol na tumama noong Oktubre at nagdulot ng malawakang pinsala sa mga tahanan, mga establisyemento ng turismo at mga kabuhayan.

Binanggit din ng Tourism chief na ang turismo ngayon ay bumubuo ng halos 9% ng gross domestic product ng bansa at sumusuporta sa tinatayang 16 na milyong Pilipino.

Iniabot nina Secretaries Frasco at Gatchalian ang mga sobre na naglalaman ng tulong pinansyal sa mga kinatawan ng benepisyaryo. Kasama nila sina Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang at Mati City Mayor Joel Mayo Almario

“Kaya nga itong partnership natin ng DOT ay napakagandang partnership kasi ito lang ‘yong sektor talaga na inuuna natin pagdating sa tulong pinansyal dahil alam namin na produktibo kayong bahagi ng ating ekonomiya.

Alam namin na you contribute a lot to the global economy, to the national economy at sa oras ng pangangailangan, dapat naman kami ang nangangalaga sa inyo,” sabi ni Gatchalian.

Samantala, binigyang-diin ni Davao Oriental Governor Dayanghirang na ang turismo ay nananatiling pangunahing prayoridad sa pag-unlad ng lalawigan

“Ito ay kabuhayan, kultura, at pagkakakilanlan ng Davao Oriental. That is why turismo is number one in our development agenda,” sabi ni Gov. Dayanghirang.

“Masayang-masaya kami na kahit na may kinakaharap kayong mga problema sa buong bansa at lalo na sa Cebu mismo. Sa kabila nito, naglaan sila ng oras para pumunta at dumalo sa ating mga manggagawa sa sektor ng turismo,” aniya.

“Kani ang program na partnership between the DSWD and the DOT is intended na makatabang sa atoang mga workers sa tourism sector na dako kaayo ang contributions sa atong ekonomiya, especially here where the tourism attractions and experiences have been able to gain a loyal following.

Tiniyak niya sa mga manggagawa sa turismo na ang gobyerno ay patuloy na nagbibigay ng suporta para sa pagbangon ng turismo ng lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Secretary Frasco, iniutos na ng Pangulo ang pagpapalabas ng mahigit P200 milyong tulong sa Cebu.

Kabilang dito ang malaking alokasyon para sa Bogo City at mga lungsod na lubhang naapektuhan, na nagpapakita ng hindi natitinag na pangako ng pambansang pamahalaan sa pagpapanumbalik at rehabilitasyon.

Bukod sa pagbibigay ng tulong, prayoridad din ng DOT ang preserbasyon at pagpapanumbalik ng mga tourism heritage sites at istruktura na naapektuhan ng malakas na lindol.

Nakiisa sa payout activity sa Don Celestine Martinez Sports Complex sina DSWD Central Visayas Disaster Response Management Division (DRMD) Chief Lilibeth Cabiara, 4th District of Cebu Congressman Sun Shimura at Bogo City Mayor Maria Cielo Martinez.

Ang pamamahagi ng ECT sa Davao Oriental at Bogo City sa Cebu, ay bahagi ng “Bayanihan sa Bukas na May Pag-asa sa Turismo” (BBMT) program, isang partnership sa pagitan ng DSWD at ng DOT.