Witness

May mga senator-judge na may pagkiling sa pagbaba ng threshold

163 Views

MAY malaking tsansang na-convince na ang ilang senator-judge na ibaba ang 16-vote threshold para mahatulan si Bise Presidente Sara Duterte matapos pakinggan ang mga amici curiae noong Setyembre 16, ayon kay Atty. Reginald Tongol, tagapagsalita ng Senate Impeachment Court.

Ayon sa ilang dating chief justice, hindi tahasang nakasaad sa Konstitusyon ang bilang na 16 para sa conviction.

Apat na senador-judge ang kasalukuyang hindi regular na nakikibahagi sa paglilitis: sina Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada dahil sa kani-kanilang kaso ng plunder, nagtatago si Bato dela Rosa dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court, at nasa medical leave sa ibang bansa si Loren Legarda.

Ito ang dahilan kung bakit itinaas ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang tanong noong Setyembre 8.

Nilinaw niya na hindi niya gustong ibaba ang threshold — gusto lang niyang linawin ito.

“The present reality, however, is that some of our members are beyond the coercive power or jurisdiction of the Senate. One is on medical leave abroad where the date of her return is still unknown.

The other is in hiding. Two are under the custody of the Sandiganbayan or the Bureau of Jail Management,” ani Tulfo.

May ibang senador namang gustong ipasa na lang sa Korte Suprema ang desisyon sa halip na pagbotohan ito ng Senado, sina Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo.

Hindi sang-ayon si Sen. Rodante Marcoleta, isa sa apat na hindi nakikibahagi.

“I don’t think the threshold is a subject of votation. It’s already in the Constitution, aniya. Hindi rin siya hihingi ng furlough para bumoto lang dito: I will not move for a furlough just to vote for a threshold,” ayon kay Marcoleta.

Malaki pa rin ang epekto ng magiging desisyon: kung 16 ang manatili, mas mahirap makuha ang conviction gayong kulang na sa apat ang boboto; kung babaan ito, mas madaling maabot ang two-thirds na kailangan sa mas kaunting bilang na aktwal na nasa korte.