Plenary ng Senado di impeachment court bahala kay Marcoleta

130 Views

ANG Senado sa plenaryo, hindi ang hukuman ng impeachment, ang magpapasya kung makakasali si Sen. Rodante Marcoleta sa paglilitis kay Bise Presidente Sara Duterte, ayon kay Atty. Reginald Tongol.

Si Marcoleta, na senator-judge din, ay nakakulong sa Sandiganbayan sa kasong plunder. Kaya ang karapatan na bumoto, makita ang rekord at tutulan si Sen. Francis Escudero bilang presiding officer ay usapin ng lehislatura, hindi ng trial, ayon pa kay Tongol.

Naghain si Marcoleta ng manifestation noong Hulyo 20. Wala pang boto sa plenaryo.

Kung iboboto ng Senado ang paglahok, ito’y simple majority ng quorum. Kung 20 ang dumalo, 11 ang kailangan. Ang furlough o pansamantalang paglaya ay puwedeng ihain ng abogado niya sa Sandiganbayan, o ng Senado bilang institusyon.

‘Hindi siya hihingi ng furlough para lang bumoto sa Setyembre 23 sa 16-vote rule. Nasa Konstitusyon na raw ang threshold. Kasama si Sen. Jinggoy Estrada sa detained. Nagtatago naman si Sen. Bato Dela Rosa dahil sa warrant ng International Criminal Court.

Ang tanong sa plenaryo ay simple: senador ba siyang may karapatang umupo, o detained accused na hindi puwedeng gumanap? Hangga’t walang boto ang Senado, hindi puwedeng bumalik si Marcoleta sa session floor.