Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
PCG

MBCA Julifer nagka-aberya; 253 pasahero, tripulante nailigtas

146 Views

PCG1PCG2PCG3

LIGTAS na nasagip ang kabuuang 253 pasahero at tripulante ng motorbancang MBCA Julifer matapos itong magkaaberya sa karagatan malapit sa Lampinigan Island, Basilan nitong Pebrero 6, 2026.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakatanggap ng tawag ang Coast Guard District Southwestern Mindanao mula sa isang pasahero na nagsabing nagkaroon ng engine failure ang bangka habang bumibiyahe mula Zamboanga City patungong Laminusa Island, Siasi, Sulu.

Agad namang nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Isabela sa Provincial at City Disaster Risk Reduction and Management Offices ng Basilan upang magsagawa ng search and rescue operation. Ipinadala rin ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) upang palakasin ang rescue efforts.

Sa isinagawang operasyon, 205 pasahero ang inilipat sa BRP Tubbataha at dinala nang ligtas sa Zamboanga City Pier. Dalawampu’t isa naman ang isinakay sa patrol boat ng PNP-Maritime Group patungong Isabela Port. Samantala, 11 pasahero at 16 crew ang nanatili sa MBCA Julifer at ineskortang ligtas patungong Isabela.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente, ayon sa PCG, na muling tiniyak ang kanilang patuloy na pagbabantay at agarang pagtugon sa mga emergency sa karagatan upang mapangalagaan ang buhay ng mga naglalayag.