Calendar
Mga accomplishments ng OFW PL sa 19th Congress, ibinida ni Magsino
BAGAMA’T hindi siya pinalad na mapasama sa hanay ng mga kongresista sa 20th Congress. Ibinida parin ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino ang kaniyang mga naging accomplishments sa loob ng tatlong taong termino nito sa ilalim ng 19th Congress.
Inilabas ni Magsino ang accomplishment report ng OFW Party List upang ipakita sa libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) kabilang na ang mga Filipino seafarers na hindi nila inaksaya ang tatlong taong panunungkulan nito sa Kamara de Representantes.
Sinabi ng dating kongresista na ang kanilang accomplishment report ay naglalaman ng mahahalagang tagumpay na nakamit nila, mga programa at inisyatiba na isinulong ng OFW Party List na naglalayong mapagsilbihan ang interes at kapakanan ng mga ating mga OFWs at Pinoy seafarers mula 2022 hanggang 2025.
Ayon kay Magsino, kabilang sa kanilang mga naging accomplishments ay ang pagtutok sa repratriation ng mga OFWs, pagkakaloob ng legal at medical assistance para sa mga Pilipinong manggagawa, pamamahagi ng livelihood programs, scholarships at iba pang kahalintulad nitong serbisyo na hindi lamang napakinabangan ng mga OFWs kundi pati narin ang kanilang pamilya.
Dagdag pa ni Magsino, isinulong din nito sa Kamara de Representantes ang mga mahahalagang panukala na magbibigay ng proteksiyon sa mga OFWs kasama dito ang 66 House Bill kung saan siya ang principal author, 14 House Resolution, 194 panukala kung saan si Magsino ay nagsisilbing co-author habang 34 dito ang naisabatas matapos itong lagdaan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
Ipinahayag pa ng mambabatas na naging aktibo din siya sa mga isinagawang pagdinig sa Kongreso kung saan tinalakay dito ang iba’t-ibang issue na may kaugnayan sa mga OFWs at Pinoy seafarers.
To God be the Glory

