Calendar
PBBM maraming naitulong para sa mga OFWs sa Israel, Iran
INIHAYAG ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino na napakaraming tulong ang naipagkaloob ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para matulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel at Iran.
Sa panayam ng programang “Kamusta Ka, Bagong Pilipinas” sa PTV-4, inilatag ni Magsino ang mga nagawang tulong ni Pangulong Marcos, Jr. para tiyakin na magiging ligtas ang mga OFWs sa gitna ng matinding tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Magsino na binigyan ng mandato ng Pangulo ang Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magsanib puwersa kaugnay sa gagawing repatriation ng mga OFWs mula sa Gitnang Silangan.
Ipinabatid pa ni Magsino na sa kasalukuyan ay mayroon na aniyang kabuuang 340 na OFWs ang naibalik o na-repatriate pabalik ng Pilipinas kung saan ang OFW Party List ang sumalubong sa mga ito kung saan 50 mula sa 340 ang personal nilang inasikaso.
“Unang-una yung sa kabuuan na na-repatriate natin ay may 340 na naibalik natin sa Pilipinas. Ang OFW Party List ang sumalubong sa kanila tapos 50 out of the 340 ang personal na inasikaso namin,” sabi ni Magsino sa programang Kamusta Ka, Bagong Pilipinas.
Idinagdag pa ng dating kongresista na sa kabuuan mula Hunyo 24 hanggang sa kasalukuyan ay mayroon ng 1,357 OFWs ang na-repatriate ng DMW at OWWA bunsod narin ng naging direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Dahil dito, pinapurihan ni Magsino si Pangulong Marcos, Jr. dahil sa patuloy na pagpapakita nito ng malasakit at pagmamahal para sa mga OFWs para masiguro ang kanilang kaligtasan.

