LGBT

Miyembro ng LGBT ginilitan ng lalaking ginahasa umano sa Isabela

Zaida Delos Reyes Jan 30, 2026
184 Views

ISANG miyembro ng LGBT community ang nasawi matapos na gilitan sa leeg ng lalaking umano’y paulit-ulit na ginahasa nito sa Sto Tomas, Isabela.

Ang nasawing biktima ay itinago sa pangalang “Kristoferson” habang inamin naman ng suspek na si alyas “Antot” ang krimen.

Ayon sa ulat ng pulisya, tinawag ng suspek ang biktima sa liblib na lugar sa Barangay Balelleng noong Sabado at doon isinagawa ang krimen.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang kapatid noong Linggo ng umaga.

Sa gitna ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ay lumapit ang suspek at inamin ang krimen.

Ayon sa suspek, tatlong beses siyang ginahasa ng biktima kaya ginantihan lamang niya ito.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ng Sto. Tomas ang suspek at nahaharap sa kasong homicide.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.