MPTC Source:FB post

MPTC namigay ng ayuda

Jun I Legaspi Jul 25, 2025
188 Views

KASUNOD ng masamang panahon, naglunsad ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang unit ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ng relief operations para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad sa paligid ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Ang MPT South ay mabilis na nakipag-ugnayan sa mga local government units ng expressways’ alignment communities upang ipamahagi ang 3,000 relief packs sa mga pamilyangpansamantalang inilikas dahil sa malawakang pagbaha.

Inihayag din ng kumpanya ang plano nitong mamahagi ng tulong sa mgadrivers at operators ng public utility vehicle (PUV) na bumibiyahe sa pamamagitan ng CAVITEX at CALAX.

“We’re more than just a tollway operator. We are part of these communities—committed partners and neighbors who show up, especially in times of crisis,” sabi ni Elnora Rumawak, Officer-in-Charge ng MPT South.

Ang relief initiative na ito ay bahagi ng mas malawak nadedikasyon ng MPT South pagdating sa corporate social responsibility at disaster response, na nagpapatibay sa tungkulinnito hindi lamang sa imprastraktura kundi pati na rin sapangangalaga sa komunidad.