Calendar
Namatay na OFW sa Saudi tulungan
Nšš”šš”ššŖšššš” si dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Affairs (OWWA) na tulungan ang pamilya ng nasawing Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Saudia Arabia na maiuwi ang labi nito sa Pilipinas.
Nagpa-abot ng taos pusong pakikiramay para sa pamilya ni Rapael Ordonio Asajar ang partylist matapos matuklasan ng kaniyang mga kapwa OFW na wala na itong buhay noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Magsino na walang foul play sa pagkamatay ni Asajar at hinihintay pa ang opisyal na medical report upang matukoy ang tunay na dahilan ng kaniyang pagpanaw.
Pinuri ni Magsino ang naging malasakit ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ni Asajar sapagkat kasuluyan na nilang inaayos sa mga kinauukulang awtoridad sa Saudi Arabia para matiyak na maisasaayos agad ang repatriation ng mga labi ni Asajar pauwi ng Pilipinas.
Nagpasalamat din si Magsino sa mga taong tumulong upang matagumpay na maidaos ang OFW Family Day 2025 sa Sapangpalay, San Jose del Monte, Bulacan.

