KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
NE cops inaresto 92 suspek sa krimen
Steve A. Gosuico
Feb 2, 2026
377
Views
CABANATUAN CITY–SIYAMNAPU’T-dalawang suspek sa halu-halong krimen ang nahuli sa Nueva Ecija mula Enero 25 hanggang 31.
Sa laban kontra droga, mahigit P808,390 na halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam sa 34 anti-drug operations, ayon sa hepe ng pulisya ng lalawigan na si PCol. Heryl Bruno.
Umabot sa 43 na hinihinalang tulak ang nadakip sa mga buy-bust operations.
Sa loose firearms, siyam na lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na armas ang nasakote at siyam na baril naman ang nasamsam.
Samantala, binigyan ng Medalya ng Kadakilaan si Cabanatuan City police chief Lt. Col. Renato Morales sa Kampo Olivas, San Fernando City, Pampanga.
Kaugnay sa pagkakadakip sa mga kidnapping suspect noong January 27 ang nakuhang award ni Morales.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
