Calendar
Negosyante, construction worker binugahan ng tingga, bulagta
ISANG construction worker at negosyante ang namatay dahil sa pamamaril sa Pampanga at Bulacan noong Biyernes, ayon sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jose Mendez.
Nakilala ng mga pulis ang mga napatay na sina Jun, 35; at negosyanteng si Eduardo, 60.
Ayon sa isang saksi, nakarinig siya ng putok ng baril at nang kanyang tingnan nakita niya ang hindi nakikilalang lalaki na nagpaputok sa biktima.
Binaril at napatay ang negosyante sa Brgy. Partida, Norzagaray, Bulacan.
Batay sa imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa monoblock chair sa garahe ng kanyang bahay nang bumaba mula sa motorsiklo ang isang armadong lalaki at binaril ng tatlong beses ang biktima.
Nakasuot ng itim na cap, face mask, itim at puting hoodie, kulay abong shorts, at itim na tsinelas ang suspek na tumakas sakay ng itim na motorsiklo.
Nagsagawa daw ang mga pulis ng hot pursuit para mahuli ang mga suspek sa pagpatay.

