PCSO

Negosyante sa Nueva Ecija nanalo ng P114M sa MegaLotto

108 Views

Isang negosyante sa Sto. Domingo, Nueva Ecija ang nanalo ng P114.327 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 noong Disyembre 23, 2022.

Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Ayon sa nanalo paborito nitong numero ang lumabas na 11-21-01-12-17-03 sa bola ng MegaLotto noong Disyembre 23.

May 15 taon na umano itong tumataya sa lotto at naranasan na ring manalo ng minor prizes ng makakuha ng apat na numero at tatlong numero.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa PCSO at sa Panginoon sa pagkapanalo ko sa lotto. Di ko po inasahan na sa ganitong panahon ko mapapanalunan ang jackpot, tamang -ama magpapasko pa yun. Hindi ko po maipaliwanag ang aking nararamdaman,” sabi ng nanalo.

Sinabi ng nanalo na tutulungan nito ang kanyang mga kababayan at palalaguin pa ang kanyang mga negosyo.

“Payo ko lang po sa mga katulad ko na tumatangkilik sa mga palaro ng PCSO ay ipagpatuloy lang ang kanilang pagtaya sa lotto dahil hindi natin alam kung kailan darating ang ating swerte. Ang bawat perang ginagamit natin sa pagtangkilik ng lotto ay napupunta din sa mga programa ng PCSO para sa mga nangangailangan nating kababayan,” dagdag pa ng nanalo.