Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Nograles Patuloy ang trabaho ni 4th district Congressman Fidel Nograles sa mga mamamayan matapos i-padlock ang kanyang tangapan. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Nograles tuloy tuloy paglilingkod bayan

Jon-jon Reyes Mar 13, 2025
734 Views

HUMIHINGI ng sagot sa kanyang mga tanong sa Business Permit and Licensing Office ng Montalban, Rizal si 4th district Congressman Fidel Nograles matapos ang umano’y illegal na pag-padlock ng kanyang opisina sa Brgy. San Isidro, Montalban. Rizal.

Nag-ugat umano ang pag-padlock sa kanyang opisina mula ng magdeklara siyang tapusin ang kanyang termino bilang kongresista.

Ayon sa mga staff ni Nograles, pinadlock ang gate ng gusali maging ang iba pang mga tenant, mga terminal kabilang ang kanyang opisina tulad ng nakapaskel sa gate ng nasabing gusali.

Patuloy ang pagseserbisyo ni Nograles sa mga mamamayan ng lalo na sa mga senior citizens, PWDs at single parents sa ilalim ng init ng araw gamit ang ilang tent sa labas ng kanyang tangapan sa Montalban, Rizal.