P364M jackpot ng Ultra Lotto hindi nakuha

108 Views

WALANG nakakuha sa P364.2 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola gabi ng Biyernes, Disyembre 9.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang tumaya sa winning number combination na 35-18-07-33-08-48.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang 16 mananaya na nakakuha ng lumang numero.

Tig-P2,000 naman ang tinamaan ng 1,678 mananaya na nakaapat na numero at tig-P100 ang makukuha ng 44,937 mananaya na nakatatlong numero.