PCSO

P378M jackpot ng Ultra Lotto 6/58 hindi tinamaan

156 Views

WALANG tumama sa mahigit P378.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola gabi ng Linggo, Disyembre 11.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang nakakuha sa winning number combination na 04-34-13-16-10-07.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang 64 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.

Tig-P2,000 naman ang tinamaan ng 3,484 mananaya na naka-apat na numero at tig-P100 naman ang 61,522 mananaya na naka-tatlong numero.