PCSO

P428M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

130 Views

WALANG tumama sa P428.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola gabi ng Linggo, Disyembre 19.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) walang nakakuha sa winning number combination na 03-01-44-42-58-02.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang 18 mananaya na nakalimang numero.

Tig-P2,000 ang tinamaan ng 1,664 mananaya na nakaapat na numero at tig-P100 ang 35,900 mananaya na nakatatlong numero.