Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
P400K na shabu nakuha sa tulak sa Laguna
Gil Aman
Dec 27, 2025
597
Views
UMAABOT sa mahigit P400,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang pinaniniwalaang tulak sa Purok 6, Brgy. Uno, Calamba City noong Biyernes.
Nasakote ang suspek na kinilalang si alyas Tugas sa buy-bust, ayon sa mga miyembro ng Calamba police, at narekober mula sa kanya ang 60 gramo ng shabu na may standard price na P408,000.
Natiklo ang suspek matapos magpanggap na poseur-buyer ang isang pulis dakong alas-3:45 ng hapon, ayon sa report.
Nakumpiska run kay Tugas ang walong heat plastic sachets gayundin at ang buy-bust money.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Calamba City Jail at sinampahan na ng kaukulang kaso.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

